Typos and grammatical error ahead!!! ○○○ACER POV:○○○ "Kailan mo pa kilala si kuya Kenneth?" Tanong ko kay Kendrick isang umaga dahil talagang sinadya ko pa ito para tanungin lang ang bagay na iyon. Hindi naman ako magpapakita kay Kuya Kenneth dahil nahihiya parin akong makausap siya lalo na at palagi niya akong tinitignan ng may panunukso. Tingin ang isinagot ni Kendrick sa akin kaysa sagutin ako at ipinagpatuloy lang ang pagkain sa sandwich na meryenda nito. Gusto kong alamin ang mga ayaw at gusto ni kuya Kenneth para pumayag siyang pakasalan ako. Pero pipilitin ko din siyang tumira kami kina daddy at huwag akong ilayo sa kanila. "Kinakausap kita. Bingi ka ba?" Naiinis na tanong ko dito. Nakakainis kasi. Kahit na matagal ko ng kilala si kuya Kenneth ay ilan lamang ang mga gusto ni