Typos and grammatical error ahead!! ºººKENNETH POV:ººº Napatingala siya sa akin ng itapat ko sa kanya ang hawak kong bottled water. Binalik ang paningin sa ginagawa at hindi pinansin ang pagaalok ko sa kanya ng tubig . Tahimik akong umupo hindi kalayuan sa kinauupuan niya. Itinabi sa kanya ang tubig na hawak ko. "Hindi ako nauuhaw." Matabang na sabi niya. Tinapunan ng tingin ang tubig bago ito itinulak palapit sa akin. "Hindi ko alam kung saan magsisimula." "Hindi mo kailangang simulan kung hindi mo alam ang patutunguhan." Napahinga ako ng malalin dahil sa sinabi niya. "Bakit ang layo ng loob mo sa akin? Wala akong alam na ginawang hindi maganda para ituring mo akong kaaway simula ng mahanap ko kayo." Hindi siya sumagot. Hindi din niya ako tinapunan ng tingin. "Nasa sulat na ini