Typos and grammatical error ahead!!! ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ "Anong nangyayari?" Tanong ko kay tatay ng mabungaran kong nagkakagulo sa mga kapit bahay namin. Mabuti na lang at mahimbing ang tulog ni Acer at hindi nagising sa mga ingay. "May nagdedemolish sa mga bahay ng kapitbahay natin." Sagot naman ni tatay ng malapitan ko ito na nakatingin sa bahay na ginigiba ng mga tao. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa mga taong mawawalan ng bahay. Alam ko kung ano ang dahilan kung bakit nangyayari sa mga ito iyon dahil mismong mga bahay ng mga dalagitang nakaaway ni Acer ang mga ginigiba nila. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. Nakakaawa man pero mali ang taong pinagusapan nila. Ang ikinasama pa. Nagtangka pa talagang saktan si Acer. Pero.. hindi ba pwedeng mapagusapan muna?