PAGSAPIT ng alas-syete ng gabi ay dumating na rin si Hubby, kasama niya si Troy. Sinalubong namin siya sa main door at sabay namin siyang niyakap. Nagulat pa nga siya sa ginawa namin. “Wooh?! Anong mayro'n, Wifey and may handsome sons?” Nakangisi niyang tanong sa amin. Ngumiti lang kami sa kanya at niyakap ulit siya, kaya ang ginawa niya ay niyakap niya rin kami. “I don't know what happen, but I love you, three!” sambit niya sa amin kaya napahagikhik kami. “Daddy, kumain kami nina Mama, Blaze and baby ng strawberry cupcake!” saad ni Blade sa daddy niya, habang pa-akyat kami. “Ang dami po naming nakain, daddy! Pero, atira ka po namin sabi ni Mama!” Dagdag na sabi ni Blade kay Hubby. Ginulo na lamang ni Hubby ang buhok nina Blade and Blaze. “Thank you. Magbibihis lamang si daddy, ha?