THE next day ay naging cold na naman siya sa akin. Pinakalma ko ang aking sarili kaya kahit alam kong may cold war na naman kaming dalawa ay pinabayaan ko. Kinausap ko siya sa breakfast naming dalawa. “Master Kaiju, gusto niyo po?” Tinaas ko ang pandesal na gawa ni Rey. Tinignan lamang niya iyon at kumain na ulit. See? Ganyan na naman ang ugali niya. Ganito siguro siya kapag galit dahil sa ilang beses na naming pagkakaroon ng cold war ay ganito siya, hindi ka niya papansinin. Tapos na ako kumain, nauna ako sa kanyang nabusog kaya tumayo na ako at dinala ang pinagkainan ko sa lababo. Pagkabalik ko sa dining ay nakita ko siyang wala na roon pero ang pinagkainan niya ay naiwan. “Si Master Kaiju po, Chef Rainer?” pagtatanong ko sa kanya, siya na kasi ang nagliligpit ng pinagkain ni Maste