HUMINTO ang elevator sa 8th floor kaya lumabas kami ni Master Kaiju at maging ang ibang kasama namin sa loob. Lumapit kami sa dalawang babae at may sinasabi si Master Kaiju roon. “Sir and Ma'am, this way po...” wika nu'ng isang babae sa amin at sinundan namin siya. Nakakapit lamang ako sa braso ni Master Kaiju habang sinusundan namin iyong babae. “This is the private room you reserved, Mister Zenger.” sabi ng babae sa amin at binuksan niya ang pinto para sa amin. Pumasok kami kasama ang babae. “If you need anything, you can call us, so we can come to you. Even the food you order, Mister and Mrs. Zenger.” Nakayuko niyang sabi sa amin kaya tumango kami sa kanya. Lumabas na siya private room at sinara iyon. “T-tayo lang po rito, Master Kaiju?” Hindi ako makapaniwalang sabi ko sa kanya.