PAGKATAPOS ng kalahating minuto na pagda-drive sa isolated na daan, I will call it isolated dahil walang bahay akong nakita at tanging poste ng ilaw at puno lamang ang nakita ko roon habang nagbabaybay kami. Nakakita na rin ako ng mga establishment katulad ng restaurant , hotel, condominiums and fast-food. Akala ko talaga forever ganoʼn ang view namin. Nakarating na rin kami agad sa hotel ng mga Laurier. Napadaan kami sa harap na iyon at napapalibutan iyon nang mga pailaw kaya sobrang tingkad at nag-i-stand out siya sa ibang establishment dito, isama mo pa ang name ng hotel nila. Huminto kami sa harap ng hotel, pinagbuksan ako ni Master Kaiju nang pinto, ang susi ng kotse ay binigay niya sa isang lalaki. “Sa dating pʼwesto.” sambit niya roon sa lalaki at tumango naman ang isa. Nagta