HULING araw ko sa work ngayon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib, mami-miss ko ang work na ito. Ilang years din kasi ako rito at ngayong graduating na ako ay need ko na talagang umalis. Kailangan dahil mas mahalaga sa akin ang intern ko at pangarap ko talaga na maging nurse sa tanang buhay ko. “Isa, last day mo na ngayon!” Malungkot na sabi ni Gigi sa akin, nakatingin siya sa aking at ang labi niya ay naka-baliktad na 'U'. “Huy, magkikita pa naman tayo. Huwag ka ngang nega d'yan, Gigi.” ani ko sa kanya at pinitik ang kanyang noo. “Aray! Nagdadrama lang ako, eh! Hindi ba pwedeng ma-drama, ha? Ikaw talaga kahit kailan napaka-KJ!” Simangot niya sa akin at biglang ngumiti nang may papuntang customer sa counter. “Hello, good morning po!” Nakangiti niyang sabi sa