AFTER matapos ang problema namin kay Frances ay maging matiwasay na ang pagsasama namin ni Hubby. Natapos ko na rin ang oras ng duty ko sa hospital kahit nag-extend ako ng one week sa hospital at ang ibang kasama kong intern ay tapos na. Napaunat-unat ako at napahawak sa aking tiyan. Konti na lamang ay ilalabas ko na siya. Ilalabas ko na ang baby girl namin ni Hubby. Walong buwan na ang tiyan ko, at mabuti na lamang ay hindi ako na-stress sa Frances na iyon. Kahit ilang beses pang sabihin ng mommy and daddy niya na huwag siyang ikulong, maging ang mga tauhan niya ay tinuluyan pa rin namin. Iyon kasi ang gusto nina Mama and mommy Kairi. Ang tuluyan silang lahat. “Isa, mas maganda itong wedding gown, mas bagay sayo. Tignan mo ang pearl na nakalagay rito.” Turo ni Mama sa wedding gown na