ALAS-NUWEBE ng gabi, heto ang oras kung saan magpa-party sana kami ni Kesha na kaming dalawa lamang, pero biglang sumulpot sina sina Master Kaiju, Chef Rainer and ang kambal na sina Kenzo and Renzo. Sabi ko na nga ba, kaya ayoko ng ganoʼng ngiti niya. “Argh! I thought you agreed that Isa and I would have a party tonight, Kuya Kaiju?” Naiinis na sabi ni Kesha sa pinsan niya. Maging si Chef Rainer ay nakita kong ngingisi-ngisi habang nasa gilid namin. Hindi nila kasama sina Mister Kenta and Troy dahil sila raw ang natalo kung sino magbabantay kina Blade and Blaze. Napailing na lamang ako sa kanilang ginawa. “Yes, pinayagan ko kayong mag-party pero kasama kami, Kesha. So, shall we go?” Nang-aasar na sabi Master Kaiju sa pinsan niya. Naku, paniguradong sasakit ang ulo ko mamaya dahil sa