NANG matapos kumain ay nag-picturan na muna kami sa may Mama Mary na mayro'n dito, maging sa name ng Island na ito. Mag-gagabi na ng bumalik kami sa hotel na tinutuluyan namin. Pagod na ang aking katawan dahil sa dami naming ganap ngayong araw. Pabalik na sana ako sa villa namin nang awatin ako ni Master Kaiju. “Wait, Isa.” Pigil niyang sabi sa akin. Nagtataka na tumingin ako sa kanya. “Bakit po, Master Kaiju?” takang tanong ko sa kanya. Hinihintay ko siyang sumagot hanggang may inilabas siyang pang-blind fold. Nilagyan ako ng blindfold ni Master Kaiju sa aking mata, naramdaman ko ang pagkuha niya sa aking kanang kamay at naglakad na kami. “Master Kaiju, saan po ba kasi tayo pupunta?” pagtatanong ko sa kanya. Todo ang hawak ko sa kanyang kamay baka kasi ay mahulog o matapilok ako