JULIE “Nasan na ba sila mommy at daddy?” narinig kong tanong ni Dani kay JR. Medyo napaaga kasi kami kaya pagdating namin, etong sila JR at Marky pa lang yung nasa bahay. Kaya etong si Dani, hindi mapakali, papano ba naman, kanina pa tingin ng tingin sakin tong bwisit na Marky na to. Siguro kung hindi lang nakapagpromise tong si ‘hal’ sa mommy nya eh malamang kanina pa ko hinila nito palabas ng bahay. Eto naman kasing Marky na to, pang-asar pa, alam na nga nya kung gaano kaselosa tong girlfriend ko, sige pa ng sige pagpapacute. Pag itong isang to, nag-ibang anyo na naman at nagpakahalimaw, hindi ko to aawatin, bahala syang masaktan, nakakabwisit kasi eh. “Kalma lang sis, malapit na daw sila, natraffic lang daw, may binili pa kasi sila eh. Hintay-hintay ka lang dyan” “Papano ko kakalma