JULIE “Good Morning babe!” nakangiting bati ko sa maganda kong girlfriend. Oh well, maganda kasi yung gising ko ngayon. Sarap kasi ng tulog ko last night at siguro naman, alam nyo yung dahilan non. Dahil don, napaaga yung gising ko at sinipag akong ipagluto si Dandan ko. Kailangan ko din namang bumawi dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi diba? Hindi ko naman talaga gustong gawin sa kanya yun eh, kaya lang, may kung anong sumapi sakin para gawin sa kanya yon. Duh! Hindi lang naman si Dani yung nabitin don no! Ugh! TMI! Alam kong hindi nyo naman gustong basahin yung mga ‘ganung’ bagay. At dahil nga nagtatampo pa rin sakin yung babe ko, hindi nya ko pinansin at dere-derecho lang na kumain ng tinapay. Ugh! Ni hindi man lang tinitingnan yung niluto ko para sa kanya. Hindi ba nya alam na pinagh