JULIE “So, ok na kayo ng kapatid ko?” narinig kong tanong ni JR pagpasok ko sa bahay. Ok na nga ba kaming dalawa ni Danielle? Napangiti ako nang maalala yung ginawa ko sa halimaw nung nasa condo kami. Gosh, ang tapang ko pala kanina! Hindi ko akalain na kaya kong gawin yon. Oh well, naakit ako sa lips nya eh. Tapos ang cute pa nyang magdeny na hindi daw totoong mahal nya ko. Akala naman nya maniniwala ako sa kanya? Anong palagay nya sakin, slow? Duh! “Ehem, parang hindi mo na naman kailangang sagutin yung tanong ko ah. Sa ngiti mo pa lang parang alam ko na agad na may magandang nangyari sa condo ko ah” nakangiting sabi ni JR kaya bigla akong napatingin sa kanya. “Ok na kami ni Dandan, ok na ok na kaming dalawa” nakangiting sabi ko sa kanya. “Good! So uuwi na sya dito?” Umiling naman