JULIE “Aray ko naman RJ! Wag mo kasing pilitin, masakit nga kase!” nanlaki yung mata ko sa narinig. Boses ni halimaw yun ah! At anong ginagawa nila ni RJ sa loob ng locker room? Nung patapos na kasi yung 3rd set nung match, nagkamali ng bagsak yung paa ni Dani kaya dinala sya agad ng teammates nya dito sa locker room. Nag-aalala pa mandin ako sa kanya tapos ganito lang pala yung maririnig at madadatnan ko?! “Masakit lang naman kasi talaga sa una to, pero pag tumagal, magugustuhan mo rin to at gagaan yung pakiramdam mo.” Narinig ko pang sabi ni RJ. Ang mga manyakis na to. At talagang dito pa gumagawa ng kahalayan. At etong halimaw na to, akala ko ba ayaw na nya kay RJ? Sinungaling! Taksil! “Dahan-dahan kase, masakit nga kase!” parang naiiyak pa na sabi ni Danielle. This is it! Wala a