JULIE
“Sumunod ka na lang sakin sa loob, pakibilisan ha!” mataray na sabi na naman ng halimaw.
Ano ba naman yan, kanina ang sweet-sweet nya tapos ngayon nagtataray na naman. After nung mahiwagang titigan namin kanina, ni hindi na nya ulit ako tiningnan o sinulyapan man lang. Nakakaloka talaga tong babaeng to, ang hirap intindihin.
Pagdating namin loob ay agad pinagkaguluhan ng fans nya si halimaw. Naalala ko tuloy nung halos magkandarapa din ako para makita lang sya. Kahit nasan sya non, nakasunod kaming dalawa ni Krissa. In fairness naman kasi talaga dito kay halimaw, magaling naman kasi talaga sya at maganda pa. Masama lang talaga yung ugali.
At dahil sa dami ng fans na nakapalibot sa halimaw, napalayo na ko sa kanya. Ano ba naman yan, ang bigat-bigat pa mandin nitong dala ko. Ano ba kasing laman ng bag nitong halimaw na to? Mga bakal? Ang sakit na ng balikat ko ha! At ang dalandan na to, ang saya-saya pa habang pinagkakaguluhan sya ng mga fans nya.
At dahil sa mga hinayupak na fans na to, muntik na kong mapaupo sa sahig dahil sa pagtutulakan nila. Buti na lang at may tumulong sakin bago pa ko tuluyang bumagsak sa sahig.
“Ok ka lang ba miss?” narinig kong tanong nya.
Agad naman akong napatingin sa kanya. Oh my gosh! Ang gwapo. Lalo pa ngayon na sobrang bongga ng ngiti sakin ni Kuya.
“O-oo” yun lang yung nasabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
Grabe, kung ganito yung lagging sasalo sakin tuwing nahuhulog ako, baka araw-araw akong magpakahulog nyan.
“Miss?” narinig ko pang sabi nya habang natatawang nakatingin sakin.
“H-ha?”
“Tinatanong kita kanina kung anong pangalan mo kaso nakatulala ka lang dyan”
Bigla naman akong namula sa sinabi nya. Nakakahiya lang, nakita nyang nakatitig lang ako sa kanya. Bat kasi ang gwapo-gwapo nya eh.
“It’s ok kung ayaw mong sabihin yung name mo, baka masyado lang talaga kong---“
Agad ko naming pinutol yung sasabihin nya.
“Julie, my name is Julie.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
“Nice to meet you Julie, you can call me RJ” sabi nya sakin sabay kindat.
Magsasalita pa sana ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Pagtingin ko, madilim na mukha ng halimaw yung bumungad sakin. Hala, ano na naman bang ginawa ko.
Walang sabi-sabi na hinila na lang nya ako papasok sa locker room nila at pagkatapos ay agad itinulak kaya napaupo ako sa upuan.
Napatigil naman sa ginagawa yung mga kasama namin sa locker room at napatingin sa aming dalawa.
“Ano bang problema mo?” sigaw ko sa kanya.
“Nandito ka para asikasuhin ako at hindi para makipaglandian sa kung sino lang!” galit din na sabi nito.
Pagkatapos ay sinenyasan nya yung mga teammates nya na lumabas muna kaya naiwan kaming dalawa sa loob.
“Hindi ako nakikipaglandian! Muntik na kong mapaupo sa sahig dahil sa mga fans mo, tinulungan nya lang ako!”
“So kaya pala ganun yung tinginan nyo!”
“Nakipagkilala lang sya!”
“O tapos? Nagpapacute ka?”
“Hindi ako nagpapacute sa kanya! Pwede ba Danielle, tigilan mo ko ng kagaganyan mo dahil wala ka rin namang karapatan kahit magpa-cute ako sa kanya!”
“May karapatan ako dahil sakin ka nagttrabaho!”
“Hoy Danielle, nagttrabaho lang ako sayo pero hindi mo hawak yung buhay ko! So wala kang pakelam kahit kanino pa ko makipaglandian!!”
Bigla namang nagbago yung ekspresyon ng mukha nya. Bigla akong may naramdaman na kung ano sa dibdib ko nang biglang lumungkot yung mukha nya at parang maiiyak na tumingin sakin.
“Yeah, wala nga akong pakelam. Sino nga ba naman ako sa buhay mo?” malungkot na sabi nya at at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng pinto.
Malungkot na tumayo naman ako para sundan sya. Gustuhin ko mang magsisi sa sinabi ko, wala na, huli na yung lahat. Galit na naman sakin si dalandan.
Kakalabas ko pa lang ng locker room nang may marinig akong tumawag sakin. Napangiti agad ako ng makita ko si Krissa.
“Sis!” sabi nito sabay yakap sakin.
“Sis namiss kita” nakangiting sabi ko sa kanya.
Nagulat ako ng icheck nyang mabuti yung buong katawan ko.
“Problema mo?” tanong ko sa kanya.
“Tinitingnan ko lang kung buo ka pa. Alam mo na, sabi mo nga, kasama mo yung kabit ni Lucifer sa kwarto, baka lang kasi may kung anong ginawa sya sayo” nag-aalalang sabi nito.
“Tse! Ok lang ako no!”
“Sis, may tatanong ako sayo ha, pero umamin ka sakin”
Bigla naman akong kinabahan sa tono ng pananalita nya at kung papano nya ko tingnan.
“Diba sa kwarto ka nya natulog?”
Tumango naman ako.
“Ilan ang kama sa kwarto nya?”
“Isa lang”
Bigla namang nanlaki yung mga mata nito.
“So magkatabi kayo? May nangyari ba? Masakit pa ba?” sunud-sunod na tanong nito.
Agad ko naman syang binatukan.
“Anong kabastusan yang iniisip mo dyan? Walang nangyari dahil hindi naman kami magkatabing natulog. Dun ako pinatulog ng halimaw sa lapag, ayaw daw nyang may katabing lesbiana. Bwisit na yon, ilang beses ko nang inulit sa kanya na hindi ako lesbiana at wala akong gusto sa kanya, pero ayaw nyang maniwala.”
“Dahil baka totoo sis?”
Babatukan ko sana ulit sya pero biglang dumaan sa harap namin si RJ kasama nung ibang teammates nya. Ngumiti sya sakin at ngumiti din naman ako sa kanya. Nakataas naman ang kilay ni Krissa nang ibalik ko yung tingin sa kanya.
“What?” tanong ko sa kanya.
“Anong what ka dyan. Bat ganun kayo magngitian ni RJ?”
“Kilala mo sya?”
“Aba malamang, ace player yan ng men’s volleyball team namin no!”
Ay oo nga pala, PLDT din pala yung team nitong si Krissa. Bat ba hindi ko agad naisip yun?
“Hoy babae! Sagutin mo, anong meron sa inyo ni RJ?”
“Wala. Tinulungan nya lang ako kanina tapos nakipagkilala sya.”
“Ah ok, pero kung ako sayo, iiwasan ko na yang lalaking yan habang maaga pa”
Takang tumingin naman ako sa kanya.
“Bakit?”
“Eh ex-bf yan nung BOSS mo. At feeling naming lahat, mahal pa rin sya ni Danielle hanggang ngayon” mahinang sabi nito.
Bigla akong may kung anong naramdaman na naman sa dibdib ko nang marinig yon pero hindi ko na lang pinansin.
Kaya naman pala ganun yung reaksyon ni Danielle eh. Dahil pala natatakot syang maagaw ko yung ex nya. Akala ko naman dahil nagseselos sya kay RJ, tsk, sakin pala sya nagseselos.
May biglang pumasok na isip ko kaya napangiti ako.
“O anong nginingiti-ngiti mo dyan?”
“Eh diba gusto ko pa rin namang makaganti sa ginawa non sakin nung halimaw? Pwes, aagawin ko sa kanya yung taong mahal nya”
“Seryoso ka dyan?” nag-aalalang tanong nya.
“Oo bakit?”
“Gagamitin mo si RJ? Papano kung totoong mainlove sayo yung tao? Makakasakit ka ng ibang tao dahil dyan sa iniisip mong pagganti dyan sa BOSS mo.”
“Eh di pipilitin kong mahalin si RJ, di naman siguro sya mahirap mahalin eh”
“Julie ------“
“Sis promise, walang masasaktan sa gagawin ko, si halimaw lang.”
“Sure ka?”
Tumango naman ako sa kanya.
“Ok, so halika panoorin natin yung prince charming mo. Magsisimula na yung laban nila, after nila, yung laban na namin sa team nila Danielle” at pagkatapos ay agad nya kong hinila sa may court.
Agad kong hinanap si dalandan pagpasok namin sa court, at agad ding nagtama yung tingin namin. Pero bigla syang nagbawi ng tingin at nakipag-usap ulit sa katabi nyang lalaki.
Tumaas naman yung kilay ko nang mapansin na may pahawak-hawak pa yung lalaki sa kamay nya. Akala ko bas i RJ yung mahal nya, eh bakit sya nakikipagflirt sa iba?
“Alam mo sis, feeling ko talaga may gusto ka kay Danielle” bulong sakin ni Krissa.
“So uulitin na naman natin yan, tapos sasabihin ko na naman na hindi ako magkakagusto sa kanya, tapos maririnig nya, tapos hahalikan nya ulit ako at ipapahiya sa mga tao dito?”
Iiling-iling naman na hinila na lang nya ko paupo sa may likod nila Danielle. Goodjob ka talaga Krissa! Dito pa talaga sa malapit sa kanila yung upuan natin ha. Mas kitang-kita ko tuloy kung papano landiin si halimaw nung lalaki at kung gaano sya kasaya na kausap to.
Itinuon ko na lang yung pansin ko sa naglalaro ng volleyball sa gitna ng court dahil naiirita lang ako sa dalawang taong nasa harap ko ngayon.
Whoa! Ang haba ng rally nung magkalaban na team, set, spike, dig, at halos tumagal ng dalawang minute yung rally. Natapos lang sya nung biglang nagspike si RJ at hindi na-dig nung libero ng kalaban dahil sobrang lakas ng bayo nya! Wow astig! Ang galing.
Amaze na amaze ako sa napanood kaya hindi ko napansin na sakin pala tatama yung bola dahil sa lakas ng talbog nito dahil sa spike ni RJ. Napapikit na lang ako at hinintay na tumama ito sakin. Pero ilang seconds na yung nakakalipas pero wala pa ring tumatama sa mukha ko na bola kaya napamulat ako.
“Ok ka lang sis?” tanong sakin ni Krissa.
Tumango naman ako sa kanya. Anong nangyari? Bat hindi tumama sakin yung bola?
“Buti na lang, hinarang ni Danielle yung sarili nya sayo bago tuluyang lumanding sa mukha mo yung bola.” Sabi pa nya.
Agad naman akong napatingin sa babaeng nasa harap ko na busy pa rin sa pakikipag-usap dun sa lalaki. Seryoso ba si Krissa don? Tinulungan talaga ko ng halimaw?
Naglakas-loob akong kulbitin si dalandan.
“What?!” medyo inis na tanong nya.
“S-salamat dun sa---“
“Ok lang yon” yun lang at tumalikod na ulit sya sakin.
Bwisit na babae to, hindi man lang ako pinatapos. Ang sama talaga ng ugali.
Pagkatapos ng game nila RJ, naghanda na sila Krissa dahil sila na yung susunod.
Nagulat ako nang bigla akong lapitan ni RJ.
“Sorry kanina ha, muntik ka nang tamaan nung bola”
“Sus, ok lang yon, di naman tumama eh” nakangiting sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam pero parang may madilim na aura kong naramdaman na nakatingin sakin kaya bigla akong lumingon sa pwesto ng halimaw. Nasa gitna sila ng court at nagwwarm-up na.
Nakita kong galit syang nakatingin saming dalawa ng ex nya at halatang-halata na nagseselos sya dahil sa pag-uusap namin.
Wala sa sariling niyakap ko si RJ.
“Congrats kanina ha! Ang galing-galing mo” bati ko sa kanya sabay kalas ng yakap.
“Salamat Julie. Wait lang ha, magsshower lang ako tapos babalikan kita ok?”
Tumango naman ako sa kanya.
Naisip kong tumingin ulit sa halimaw. Pero pagtingin ko sa kanya, bigla kong naisip na sana pala hindi na lang ako tumingin sa kanya dahil nakakatakot yung itsura nya ngayon. Ang sama ng tingin nya sakin at ang higpit ng hawak nya sa bola dahil sa galit.
So mahal pa nya talaga si RJ para magselos sya ng ganon? Pwede ba, mas cute kaya ako kay RJ, duh!
Really Julie, really? Ikumpara daw ba yung sarili sa lalaki.
Napailing na lang ako dahil sa naisip ko at iniiwas ko na lang yung tingin ko sa halimaw dahil nakakakilabot yung mga tingin na ipinupukol nya sakin. Parang gusting-gusto nyang ibato sa mukha ko yung bolang hawak nya.
Habang naglalaro sila ay napansin ko agad na parang walang gana yung halimaw. Hindi sya nagsspike pag sineset nung kakampi nya yung bola sa kanya at hindi rin nya minsan ma-dig yung bola. Epekto ba to nung ginawa kong pagpapaselos sa kanya kanina?
Pagtingin ko sa score,16-10, lamang sila Krissa at mukhang sila yung mananalo sa 1st set.
Nagulat ang lahat ng biglang inilabas nung coach nila si Danielle at pinalitan ng ibang player. 1st time lang kasi nangyari to. Never umupo sa bench yung halimaw kapag may laban sila. Pero ngayon, malungkot na nakaupo lang sya sa bangko habang nanonood sa mga teammates nya.
Nakonsensya naman ako kaya wala sa loob na lumapit ako sa may likod nya at nagsalita.
“Hoy halimaw, wag kang mag-alala, hindi ko type si RJ, sayong-sayo na sya. Ibalik mo na yung dati mong laro dahil pag nanalo kayo, lilibre kita ng ice cream” nakangiting sabi ko sa kanya.
Agad naman syang lumingon sakin at ngumiti. And for the 1st time umabot sa mga mata nya yung ngiti nya sakin.
“Promise?”
Nakangiting tumango naman ako.
Nakita kong nilapitan nya yung coach nila at sinabing ipasok na ulit sya dahil ok na sya. Pero bago pa sya pumasok, lumapit muna sya sakin.
“Ipapanalo ko tong game para sayo” sabi nya sakin sabay kindat.
At ayun na naman po yung abnormal na t***k ng puso ko dahil sa sinabi nya. Nakatitig lang ako sa kanya habang naghihintay na ipasok ulit sya ng coach nila.
Natigil lang ako sa pagmumuni-muni nung maghiyawan lahat ng tao sa court. At dahil yun sa pagpasok ulit ng dalandan. Grabe, sya na talaga yung maraming fans.
Natuwa naman ako nung bumalik yung ‘LARO’ nya talaga. At ang sama ng tingin sakin ni Krissa, haha! Oh well, kahit galit naman ako dito sa halimaw na to, ayoko namang nalulungkot sya. Ewan ko ba, para kong tanga.
At gaya ng inaasahan, nanalo nga yung team nila Danielle. 3-0 yung score. And yes, nakahabol yung team nila halimaw nung 1st set after syang ipasok nung coach.
Nakangiti ko syang sinalubong pagkatapos ng game.
“Congrats!” bati ko sa kanya.
“Thanks!”
“Uhm, sorry kanina ha” nahihiyang sabi ko.
“Wala yun, ako nga yung dapat magsorry dahil sa inasal ko” narinig kong sabi nya.
Bigla namang nanlaki yung mata nung mga kasama nya.
“Whoa! Si Danielle ba yun? Kelan pa nya natutunan yung salitang sorry?” komento ni Jobs, isa sa teammates nya.
“Hindi sya yan, baka ibang tao” sabi naman nung isa.
Tatawa-tawa naman silang pinagbabatukan ng halimaw.
“Umalis nga muna kayo dito! Nag-uusap kami o” sabi pa nya sa mga ito.
Tatawa-tawa naman na nauna nang lumakad samin yung teammates nya.
“Pasensya ka na sa mga yon ha. Mga tsismosa yun eh” nakangiting sabi nya.
“Ok lang yon, ang cute nga eh”
“Yung mga yon cute? Parang hindi naman” tawang-tawang sabi nya.
Bigla na naman akong napatitig sa kanya. Bakit ba ang ganda-ganda nya lalo na pag nakangiti at nakatawa?
“No, hindi sila, ikaw yung cute” nakangiting sabi ko sa kanya.
Nagulat ako nang bigla syang magblush sa sinabi ko.
“Wow, totoo ba to? Nagblush ang isang Danielle San Jose dahil sa sinabi ko?” natatawang sabi ko sa kanya.
“Tse! Pagod lang ako kaya ako namula”
“Wooshoo!”
“Ang kulit mo!”
“Ang cute mo” tukso ko na naman sya kanya na lalo nyang ikinapula.
Inirapan nya lang ako. Mas lalo namang lumapad yung ngiti ko dahil hindi sya makatingin ng derecho sakin.
“Hoy ikaw nga babae umamin ka, crush mo ko no?” tukso ko sa kanya.
“Kapal ng mukha mo, di no!” sabi nya na hindi pa rin tumitingin sakin.
“Sus, bat hindi ka makatingin sakin ng dere----“
Nagulat ako ng humarap sya sakin at tumingin ng derecho sa mga mata ko. Bigla na namang nagrambulan yung kung anu-anong hayop sa tyan ko. Shet, ano to? Bakit ganito yung nararamdaman ko?
Bigla ko namang iniiwas yung tingin ko sa kanya.
“See, ikaw yung may crush sakin lesbo” tukso pa nya.
“Pwede ba, hinding-hindi ako magkakacrush sayo no” sabi ko sa kanya.
Bigla naman syang napasimangot sa sagot ko.
“Kanino ka magkakacrush, kay RJ???!!” inis na sabi nito.
Natatawang umiling lang ako sa kanya.
“Diba sabi ko hindi ko sya type. Sayong-sayo na sya”
Bigla naman ulit syang ngumiti.
“Di mo talaga sya crush ha!”
“Hindi nga, ang kulit mo!”
“Good! Yung ice cream ko ha!”
“Oo, bago tayo umuwi”
“O sya, magsshower lang ako, hintayin mo na lang ko dyan Jules ha” sabi nya sakin sabay talikod.
Uupo na sana ako ng biglang bumalik at hinalikan ako sa pisngi.
Nakangiti syang tumalikod ulit sakin at pakanta-kanta pa habang naglalakad.
Bigla naman akong napahawak sa pisngi kong hinalikan ng halimaw.
Shet naman Danielle o, ano ba tong ginagawa mo sakin? Dapat galit ako sayo eh. Dapat naghihiganti ako sa ginawa mo sakin non. Pero bakit parang nawawala na yung galit na nararamdaman ko?
Gusto na ba talaga kita?