"Rio, maligo ka na muna." Utos ko sa kaniya. Kanina ko pa napapansin na mukhang wala pa itong balak na maligo dahil abala ito sa pang-aakit sa akin. Kaya ako na mismo ang kumalas sa yakap niya kahit sobrang nanghihina na ako. Tila ba hinihigop niya ang buong lakas ko at wala man lang akong kalaban-laban. Wala man lang akong magawa para labanan ang nakakaakit niyang mga salita. Kanina ko pa siya inuutusan na maligo na muna at halos ipagtabuyan ko na siya sa harapan ko dahil aayusin ko pa ang mga gamit na dadalhin ko bukas sa hospital. Dahil kung hindi ay baka meron na naman akong makalimutan. At natitiyak kong magtutuloy na ang mga nangyayari sa amin hanggang bukas kapag nasimulan na namin ang makamundong pagnanasa. Nawawala ako sa aking konsentrasyon at kanina ko pa gustong g

