Matapos naming kumain. Tumunog ang aking cellphone. Nilagay ko iyon sa loob ng kwarto kaya nagpaalam muna ako saglit kay Rio. Nagpresenta siya na siya na muna ang bahala na maghanda ng kakainin ko. Kakarating lang ng pagkain na in-order niya through online at magdadala na lang siya ng makakain dahil mahubuli na siya sa meeting kung dito pa siya mag-aagahan. "Love, tatakpan ko na lang ang mga pagkain. Aalis na ako," paalam niya sa akin at hinalikan muna ako sa aking mga labi bago nagpaalam na umalis. Nagmamadali ito dahil may importante siyang client na dapat niyang siputin. Ayaw niya sana akong iwanan pero nangako ako sa kaniya na magiging okay ako. Tumatak ang pangalan ni Kat sa recent calls dahil hindi ko kaagad nasagot. Pipindutin ko na sana ang answer call, saka naman n

