• 3rd PERSON POV • MAKALIPAS ang tatlong taon. Nasa kolehiyo na silang lahat. 3rd year college, ngunit hindi pare-pareho ang kanilang kurso. Si Szam naman ay 9 years old na at kasalukuyang grade 3 na din at mag kaklase pa rin sila ni Renz. "Mamaya ah! sabay-sabay tayong mag luch, puntahan natin sila Szam at doon tayo sa canteen nila kumain, baka nagtatampo na sa atin yung bata na yun dahil hindi na daw tayo nagpapakita sa kanya," Sabi ni Jaycel sa mga kaibigan. "Doon na tayo sa canteen nila magkita-kita," Sabi naman ni Celine. "Ok," Sabi ng mga ito. Naglakad na sila at nag tungo na sa kani-kanilang subject. Sa loob ng tatlong taon na wala si Leigh sa buhay nila ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang kaibigan lalo na si Ethan. Halos isang taon din pinag-luksa ni Ethan ang kasintahan.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books