• LESTER • "Leigh." Tawag ko dito, kasalukuyan kasi siyang nagpapahangin dito sa labas ng penthouse at nakaupo sa bench. Na discharge na kasi sila kahapon at bukas papasok na ulit sila. "Hindi ka pa din inaantok?" tanong niya sa akin, umupo ako sa tabi niya. "Uhm, ikaw din ba?" "Oo eh!!" "Tulog na ba si Szam?" "Kanina pa," "Leigh, alam mo bang gusto kita?" Nagulat naman siya sa sinabi. "Pero hindi na ako gagawa ng kahit ano para mapasa'kin ka, kasi alam ko naman na wala akong pag-asa. Si Ethan diba?" Ngumiti ito sabay tumango. "Talagang gusto mo nga si Ethan." "Sorry Lester." "Ano kaba!! Ok lang, gusto ko lang malaman mo pero hindi naman ako umaasa, tsaka siguro hindi talaga ikaw ang the one ko." Nakangiting sabi ko sa kanya. "I know who's the one for you," Sabi pa niya. "S