Napapasong kumalas ako dito at bahagyang umatras. "Uh, pasensya na... I-I was just carried away," I murmured. But Joaquin look more serious and shrouded at this moment. Hindi na nito inalis ang mga titig sa'kin habang ako'y tila pulang-pula na sa hiya. Siguro iniisip n'ya na sinadya kong gawin iyon dahil alam niyang may gusto ako sa kanya. "I mean, that hug... It's nothing!" I chuckled nervously. Damn it! Bakit ko pa iyon sinabi?! I heard a small laugh coming from him. Halos manuyo naman ang lalamunan ko nang mabanaagan ang pantay nitong mga ngipin. My heart booming hard against my ribcage and my legs were shaking. "Sabay na tayo mag-lunch." Aya nito bago tumingin sa relong pambisig. Doon na bumagsak ang panga ko. Hindi ko alam kung tatango ako pero sa huli ay nakita ko ang sariling