Kabanata 33 Sleep-over Dumiretso ako sa living room kung saan naroon sina Fiona at iba pa. Gayon pa man ay hindi ko maitago ang inis sa mukha ko kaya sumalampak ako ng upo sofa at humarap sa TV. "Oh, gising na pala si Allysson, ayos makakakain na tayo!" Biglang bumalikwas ng tayo si Macky at binitiwan ang remote na hawak. "Ang lagay ba ay hindi pa kayo nagsisikain?" Tumaas na ang kilay ko sa mga ito. "Si Harold ang sisihin mo, maaga n'ya kaming pinapunta dito, tapos gugutomin lang pala kami!" Nginuso ni Fiona ang bagong pasok lang na si Harold. "Nakahanda na ang dinner," anito na saglit pang sumulyap sa'kin bago ako taasan ng kilay. Sumimangot ako. Ano bang akala n'ya, na sa kanya itong bahay? Umirap ako at bantulot na sumunod sa mga ito. Gayon pa man ay naging maingay ang hapag, j