Kabanata 52 Oak Table Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko muling tapikin si Harold. Pero mukhang malalim na ang tulog nito. Dahan-dahan akong gumalaw at inalalayan ito para ihiga sana sa sofa ngunit naramdaman kong yumakap ito sa'kin. Napasandal ako sa sofa at pumikit nang mariin. Hindi ako lalong nakagalaw dahil sa ginawa nito. Kaya naisipan ko itong ihiga sa aking kandungan. Mabuti ay mahaba ang sofa ni Harold at kasya ang katawan n'ya. Iyon nga lang ay hindi abot ang paa nito na ngayon ay nasa sahig. Bumaba ang tingin ko dito na siyang nakatihaya ng higa sa mga hita ko. Hindi ko mapigilang maglagi ang mga tingin dito habang mamlalim ang paghinga. Talaga nga kayang tulog ito? Hindi mapigilang itanong sasarili. Baka mamaya ay niloloko lang n'ya ako. Hinawakan ko ang b