Kabanata 50 Treat Kinabukasan ay umuwi na kami galing bakasyon. Diretso na ako sa opisina nang araw na 'yon. Hindi nakaligtas sa'kin ang pailalim na tingin ng ilang empleyado sa'kin lalo pa hindi rin ako tinigilan ng tanong ni Dahlia tungkol sa pagbabakasyon ko nang halos tatlong araw. "Trabaho ang pinunta namin doon." Napapagod kong paliwanag dito. Humarap na ako sa aking laptop para ituloy ang trabaho para hindi n'ya na ako kulitin pa. Doon naman pumasok si Ms. Hilda para i-anunsyo na may meeting kami tungkol sa projrct ng nga Hidalgo. Inayos ko na ang aking mga gamit at binitbit ang aking laptop bago tumayo na. Sabay kaming lumabas ni Dahlia ng aming opisina. Doon ko naman nakasalubong si Joaquin na kalalabas lang din ng kaniyang opisina. He didn't say anything except for a nod. Tu