Kabanata 35 Jealous Habang daan ay hindi mawaglit sa isip ko ang nalaman mula kay Macky. Ang lokong iyon, talagang tinuloy ang pagre-reto sa Mallia na 'yon. Naghihimutok na dinukot ko ang aking cell phone mula sa aking bag para tawagan si Macky. "What, are you serious?!" Halos magdikit ang dalawa kong kilay nang malaman na may lunch date sila ngayon ng Mallia na 'yon. "Gusto na kasi agad makilala ni Harold si Mallia," sagot nito sa kabilang linya. Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga. Hindi ko na tinapos ang usapan at pinatay na ang tawag. Kapag nakita ko talaga ang Macky na 'yon, talagang makakatikim ito ng sermon. Diretso na akong pumasok sa building, hindi ko alintana ang pagbati nina Dahlia sa'kin dahil tumungo na ako sa opisina ni Harold. Agad na tumayo ang kaniyang sekreta