Kabanata 48 Red Cheeks Maingay ang naging tanghalian namin. Mabuti ay kinuha ng suite ni Harold ang mga ito pero si Macky ay gusto pa yatang sa suite ni Harold matulog mamaya. "Ang clingy mo!" Tumikwas ang labi ko dito habang sumubo ng kanin. "Ngumisi lang ito sa'kin matapos ay bumaling kay Harold." Sa suite mo na ako matutulog, tabi na lang kayo ni Allysson!" Halos maibuga ko naman ang nasa bibig nang marinig ang mungkahi n'ya. "No, way!" Pinandilatan ko siya ng mata kapagtapos. "Kunyare kapa e, sa kwarto nga ni Harold ka natulog kagabi." Isang malawak na ngisi ang pinamalas niya matapos iyon sabihin. Agad na namula ang dalawang pisngi ko. Hindi agad ako nakapagsalita. Gusto kong si Harold ang magsalita at sabihin n'ya na hindi kami magkatabi matulog at dala lang ng kalasingan kay