“I am asking if you are…my b-boyfriend…” Mariing pumikit si Ivy nang sabihin iyon. Narinig niya ang pagsinghap ni Eon sa kabila na mas lalong nagpakaba sa kanyang dibdib. Napalunok na lang siya habang hinihintay ang magiging sagot ng lalaki sa kanya. “Ivy…what is this?” Kunot na kunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Siya naman ay tila na-estatuwa sa kanyang kinalalagyan. Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig habang nakatitig kay Eonren. The expression on his face partly answered her question. It was as if she was just waiting for him to confirm it. Hindi na rin niya alam pa kung anong magiging reaksyon niya habang tinitingnan ang mukha ng lalaki. Napalunok siya at saka gusto na lang bawiin ang kanyang sinabi pero pakiramdam niya ay mas lalo siyang mapapahiya at baka w