Muntik nang mapatalon su Ivy nang marinig ulit ang pag-doorbell sa kanyang pinto. Nabalik siya sa realidad nang sunod-sunod ang naging pag-doorbell doon. Halos mahigit niya ang kanyang hininga. Napatitig siya sa pinto bago siya tumayo at saka nagpunta roon. Sumilip siya sa peephole at ganoon na lang ang pag-awang ng bibig niya nang makita kung sinong nandoon. "What the hell?!" It was Eonren…again. Kanina pa iti nagdo-doorbell at hindi niya lang talaga pinapansin. She cannot believe this. Kanina pa ito rito! Umaga pa lang yata ay kumakatok na ang loko. Nakatulog siya saglit at nagising lang ulit sa tawag ng mommy niya. Hindi naman niya alam na bumalik na naman pala ang magaling na lalaki. Napasinghap na lang siya at mariing napapikit. Namasahe niya ang sentido habang nakatulala sa m