“Say what?!” Isang irap ang ginawa ni Ivy sa tanong ng kanyang kaibigan. "Tsk. I don't know, okay? Kakaloka." "Edi sabihin mong ayaw mo roon? For sure Tito will give in," sabi pa ni Ella sa kanya. Nakagat niya na lang ang kanyang labi at agad na nag-iwas ng tingin. Naalala niya ang usapan nila ng daddy niya. Napapaungot na lang siya sa tuwing naiisip ang sinabi ng kanyang ama. “Ugh! Iyon na nga, e. May arrangement na raw doon tapos saka lang niya sinabi. He said pa, iyon na lang daw bigay ko sa kanya.” Sumimangot siya rito. Nagkorteng-o ang bibig ni Ella at napatakip pa ito sa bibig. “Omg, so you’ve got no choice na?!” eksaheradang sambit nito. Umirap lang siya saka tumango. Suminghap ulit si Ella. Ivy looked at her friend worriedly. “He won’t be there naman siguro? I mean, a