“You did what?!” Humagalpak ng tawa si Ella kay Ivy at halos iumpog na nito ang ulo sa lamesa. Agad na sinamaan niya ng tingin ang dalawang kaibigan na kanina pa siya pinagtatawanan. Umirap si Ivy at ipinagkuros ang kanyang dalawang kamay. Itong dalawang magagaling niyang kaibigan naman ay pinipigilan pa rin ang pagtawa kaya mas lalo lang tuloy siyang nainis dito. “Shut it you two!” inis na sabi na niya sa dalawa dahil mukhang ayaw paawat ng mga ito katatawa sa kanya. Sumimangot lang ulit siya at saka tiningnan ang kanyang notebook. “Gosh, girl, bakit napaka-embarrassing mo naman pag nagkikita kayo ni Eonren?” At pinamukha pa nga ni Wella sa kanya ang nangyari. Mas sinamaan niya ng tingin ang magaling niyang kaibigan. Sa totoo lang hindi na niya alam kung kaibigan niya talaga ang mga