Busangot ang mukha ni Ivy habang papasok ng opisina ng kanyang mommy kinabukasan. Naabutan niya si Ella roon na naghihintay sa kanya. Nagsalubong pa ang kilay niya habang nakatitig dito. “What are you doing here?” tanong niya rito. Kinunutan siya nito ng noo at pinagkibit-balikat. “Wew, you’re so grumpy, ha. So maaga pa, nakakaloka ka,” sabi pa nito sa kanya at humalukipkip pa. Umirap lang siya bago umikot at umupo sa kanyang swivel chair. Sinamaan niya lang ito ng tingin kaya suminghap naman si Ella sa kanya. “What are you doing here? Ang aga aga pa,” sa halip ay sambit niya rito. Inirapan din siya pabalik ni Ella. “Seriously?May usapan tayo today,duhh.” Saglit na natigilan si Ivy at sa huli at napasapo na lang sa kanyang noo. “f**k, I’m sorry. It slipped off my mind,” sabi