“Are you not telling us something, Ivy?” Muntik nang mapatalon si Ivy nang marinig iyon kay Ella. Napakurap-kurap pa siya at agad na napatingin sa kaibigan. “Huh? What do you mean?” tanong niya pa. Pinaningkitan siya ni Ella at ramdam niya rin ang tingin ni Wella sa kanya na nasa katapat lang nila. Nasa cafe sila ngayon sa tapat ng kanilang campus at tumatambay pagkatapos nilang mag-asikaso ng for enrollment nila. Nalalabi na naman kasi ang kanilang maliligayang araw at pasukan na naman ng second semester. “May bf ka na ba?” Mapanuring tingin ang iginawad ni Ella sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Ivy pero agad din naman siyang nag-iwas ng tingin sa babae. Tumikhim pa siya at saka nag-iwas ng tingin “Wala, a. What makes you think so? Wala namang nanliligaw sa akin, duhh,” sabi niya pa