“Did you answer the whole item? Omg, feeling ko, hindi ko na-answer lahat!” nakangusong pumangalumbaba si Ella sa lamesa ng library. Isang hikab ang pinakawalan ni Ivy habang nakapangalumbaba rin doon. Katabi niya si Wella habang nasa tapat nila si Ella. Napasimangot na lang din siya rito at tinitigan ang kanilang mga reviewer. Nakakaloka rin naman talaga ang kanilang exams. Parang wala na namang lumabas galing sa ni-review niya. Sumasakit ang kanyang ulo pag naaalala ang mga answers niya kanina. Ni di niya nga alam kung tama pa ba iyong mga sinagot niya roon o ano. Napailing na lang tuloy siya at naisubsob na ang mukha sa lamesa. “Ugh, why are our professors giving us tests that they didn’t even discuss? I mean seriously? Para pahirapan tayo? Ugh, ang frustrating ha,” rant na naman ni