Ivy was dumbfounded. Pagkatapos ang mahabang litaniya ng lalaki sa kanya ay iniwan na rin siya nito roon. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naroon sa classroom nila at nakatingin lang sa kawalan. Basta nagising lang siya sa reyalidad nang biglang mag-ring ang phone niya. Mabilis na kinuha niya iyon at saka sinagot ang tawag ni Eonren. "Hey,"bungad ni Eonren sa kanya. Tumikhim si Ivy at napakurap -kurap. Doon lang siya nakagalaw at saka mabilis na umalis ng classroom nila. Napalunok pa siya bago nakasagot sa lalaki. “Uhhm, hey, palabas na ako. Sorry, medyo may kinausap lang akong classmate.” “Ohh, alright. I’m just in the parking lot. Pumasok na ako.” “Hmm… okay. I’ll meet you there.” Binaba na niya ang tawag. Napahugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang umalis na