"So, are you ready?" Hindi na napigilan ni Ivy ang kanyang pagngiti. Kahit na kagatin niya pa ang labi para lang hindi iyon lumabas ay tuluyan na talaga itong lumabas. Kasi naman, kinikilig pa rin kasi siya sa mga pangyayari. Hindi siya makapaniwalang sasama siya kay Eon sa Tagaytay. She could still remember how nervous she was when she asked for permission. Pakiramdam niya gigisahin siya ng daddy niya ng buhay sa mga titig nito kanina, e. Mabuti na lang at magaling ang kanyang naging alibi. Ang sabi niya lang kasi ay gusto niyang mag-Tagaytay with a friend. Tinanong pa nga ng daddy niya kung sino pero ang sabi niya na lang ay iyong isa niyang blockmate. Hindi niya alam kung naniwala nga ang daddy niya sa kanyang sinabi o sadyang nag-agree na lang ito dahil pumayag na naman ang mommy n