Humikab si Ivy habang nakatingin sa karagatan sa kanyang harapan. Kasalukuyan siyang nasa sun lounger sa dalampasigan ng resort na kanilang pinagsi-stay-han. Kasama niya ang pamilya at plano nilang dito mag-stay for Christmas since semestral break niya na. Wala lang ang kuya niya at may ginagawa ito sa City. Ayaw sumama kasi sobrang busy raw at may problema pa nga ito at si Zachi. Napapailing na lang siya sa kanyang magaling na kuya. Hindi na rin naman pinilit ng ma magulang niya kaya silang tatlo na lang ang nagbakasyon. Reward na rin niya ito sa kanyang sarili dahil sa wakas ay tapos na siya sa kanyang first semester sa fourth year. Akalain mo nga naman, o. Ang bilis talaga ng panahon. Maging siya ay hindi in-expect na ganito kabilis ang magiging pangyayari. Until now, it still feels s