CHAPTER 47 Anicah Travis’ POV LUMIPAS ang ilang oras, mag-dadapit hapon na pero hindi pa rin naka-uwi si Damion. Hindi naman ako nag-aalala, hindi ko rin alam pero kalmado lang ako ngayon. Alam kong makaka-uwi siya dito ng maayos, “Ang sarap talaga hambalusin ang guwapong lalakeng ‘yun!!!” Napa-titig ako dito kay Melendice habang padabog niyang ina-ayos ang mga plato dito sa dining room dahil mag-hahapunan na. Tinutungan ko siyang mag-handa ng pag-kain kaysa walang ginagawa, “Ilang beses ko nang sinabi sa ‘yo na inaasar ka lang ng lalakeng ‘yun, Melen.” Kanina ko pa siya naririnig na nag-mamaktol dahil sa ginagawa ni Mister Freed, “Tuso lang si Mister Freed pero biro lang niya ‘yun, hindi naman siya tutol sa inyo pag kayo ang mag-katuluyan.” Sabi ko pa, “Ay nako gaga ka kasi. Sa din

