GLADIUS Village. Nang magsimulang magkaroon ng mga players ang Region 2 ay dito na nga rin nagsimula ang mga pagbuo ng mga guilds ng mga nagmula sa Tengoku na ibinaba sa area na ito ng Terra. Lahat sila ay mga gamers, at habang dumarami ang players dito ay unti-unti na nga ring nagkakaroon ng mga grupuhang labanan ang mga ito. Mayroon din namang grupo na ang hangad ay pagkakaisa sa lahat ng mga manlalaro, ngunit, sadyang nangibabaw ang mga gusto ng domination ng grupo nila laban sa isa. Nagkaroon nga ng isang guild dito noon na ang Domain City ang ginawang base, hanggang sa nagkaroon ng pag-aaway ang mga naunang captains nito na nauwi sa pagkakawatak ng binuo nilang grupo na iyon. Dito na nga nabuo ang 3 guilds ng region 2 na nagkaroon ng base sa tatlong exit ng area na ito. Matagal nga