FRONTERA Village. Nagulat na naman ang mga players na naroon nang makita nila ang pagbabalik muli ng grupo nina Laxus mula sa Gorgons’ Temple. Dalawang unknown areas lang naman ang pinuntahan ng mga ito at kahit pa sabihing nabawasan ang bilang nila, ay ang pagbabalik muli nila bilang isang grupo ay isang malaking patunay na nagawa talaga nila ang bagay na ni isa sa kanila ay hindi nagawa o sinubukan. “Ang galing nila… Pati ang Gorgons’ Temple, nagawa rin yata nilang i-clear.” “Dapat yata ay sumama na rin tayo sa kanila noong balak pa lang nilang i-clear ang mga area na iyon… Tingnan mo ang mga items nila, ang lalakas na at upgraded na.” “Mukhang ang sunod na area na ng game ang pupuntahan nila pagkatapos nila rito,” sabi pa ng isa na tahimik lang na nakatingin sa paglabas ng grupo ni