Chapter 5

2553 Words
DAHIL sa sunod-sunod na problema sa pamilya ni Martina ay hiniling nito kay Karen na doon na muna siya sa bahay ng mga ito para may katuwang ito sa pag-aalaga sa mga anak nito. Wala namang kaso ‘yon sa kanya dahil wala naman siyang ibang pinagkakaabalahan maliban sa trabaho. Pinatigil na ni Dario sa pagtrabaho si Martina. After ng duty niya sa ospital ay deretso na siya sa bahay nila Martina. Pero siyempre, umuuwi pa rin naman siya sa bahay niya kapag walang pasok si Devey. Ito lang naman ang kailangang tutukan dahil kapag may pasok ay minsan kung saan-saan nakakarating. Ayaw namang kumuha ni Martina ng yaya ng mga anak nito para rin daw sa privacy ng mga bampira. Naging extra tutor din siya ni Devey. Hatid-sunod naman ito ni Trivor sa school. Si Trivor lang kasi ang may armor car na hindi nakakalusot ang sinag ng araw sa loob. Ito lang din ang mas close ni Devey. Mahilig din sa mga bata si Trivor. Iyon ang bagong diskubre niya rito. Biyernes ng hapon pagkatapos ng duty niya sa ospital ay sa bahay niya siya tumuloy. Minsan ay tinatamad siyang pumunta sa bahay ni Martina lalo na kung walang masakyan. Madalas ay nakikisabay siya kay Trivor kapag sinusundo nito si Devey sa school. As usual, hindi siya masyadong kinikibo ng lalaki. Kuwang wala si Devey ay napapanisan siya ng laway kapag ito ang kasama. Nagbibihis na siya ng pambahay na damit. Nakasuot lang siya ng denim short pants na halos kita ang singit niya at puting blouse na maluwag ang neckline kaya nakasilip nang bahagya ang cleavage niya. Aywan niya bakit tamad talaga siyang magkikilos sa araw na iyon. Kahit sa ospital ay matamlay siya. Nagsimula siyang ganoon noong minsan niyang napanaginipan si Ian. Matagal din bago niya ulit ito napanigipan. Galit pa rin ito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ito nagalit sa kanya at ipinilit na pinagtaksilan niya ito. Nabuhay ang sakit sa puso niya. Pagkatapos niyang nagluto ng hapunan ay nagbukas siya ng tequila. Marami siyang stock na alak dahil kapag sinusumpong siya ng lungkot ay alak ang kanyang sandigan. Mali man pero doon siya komportable. But at least, she could control herself for being alcoholic. Nakaisang baso pa lamang siya ng tequila nang may bumusinang sasakyan sa labas. Nailapag niya sa mesita sa sala ang baso niya saka lumabas ng bahay. Nataranta siya nang makita ang black armor car ni Trivor. Nag-text na siya kay Martina at sinabi niya na hindi muna siya pupunta sa bahay ng mga ito. Bakit naroon si Trivor? Lumapit siya sa gate at binuksan. Kinatok niya ang bintana sa driver side. Wala naman nang araw kaya puwede na itong lumabas. Talagang hindi nito binuksan ang bintana. Yumuko pa siya para silipin sa loob pero masyadong makapal ang salamin. Nakakaloko dahil siya lang ang nakikita nito. Sa inis niya’y bumalik siya sa loob ng bahay. Nagulat siya nang mamataan niya si Trivor na prenteng nakaupo sa couch. Nakasuot ito ng itim na jacket at faded jeans. Nailapat niya sa kanyang dibdib ang kamay. “Magbihis ka,” seryosong sabi nito. Hindi magtagal ay magkakasakit talaga siya sa puso sa pinaggagawa ni Trivor. “At bakit?” inis na tanong niya rito. “Hinihintay ka ni Devey sa kotse,” anito. “What? Sinabi ko na kay Martina na hindi ako pupunta sa bahay nila.” “Si Devey ang may gusto.” “Seriously? Bakit mas masunod ang batang iyon?” Namaywang siya. “Wala ka namang gagawin dito.” “Marami akong gagawin.” “Maglalasing ka lang.” Tumayo si Trivor at tinakpan ang bote ng tequila na hindi niya naisara. “Change your cloth. We will wait for you in the car,” sabi nito saka umalis. Bumuga siya ng hangin. No choice. Kukulitin din naman siya ng bossy niyang pamangkin. Nagpalit siya ng pulang dress na hanggang tuhod niya ang laylayan. Pagpasok niya sa backseat ng kotse ni Trivor ay nakaupo roon si Devey. Ang lapad ng ngiti nito nang makita siya. Naka-uniporme pa ito. Kinurot kagad niya ito sa tagiliran. “Ouch! Tita naman, eh!” reklamo nito. “Ikaw, ah! Ginawa mo na talaga akong yaya! Ang tanda mo na, dapat masanay ka na!” sermon niya rito. Hindi pa siya nakakaupo nang maayos ay pinaharurot na ni Trivor ang sasakyan. Kamuntik pa siyang mapasubsob sa pinto. Kinurot ulit niya sa tagiliran si Devey nang tumawa ito. Pagkuwan ay hinampas niya sa balikat si Trivor. “Isa ka pa, eh!” asik niya rito. Dedma lang ang isa. “Ang sungit naman ni Tita ngayon. Tito Trivor, kiss mo nga si Tita,” panunudyo pa ni Devey. Tinakpan niya ng palad ang bibig nito. “Ikaw ang bata mo pa dami mo nang alam!” Kinagalitan niya ito. Nag-init tuloy ang mukha niya. “Hindi ako marunong humalik,” gatong naman ni Trivor. “Shut up! Mag-drive ka lang!” aniya. “Ikaw lang ang maingay rito, Karen,” ani Trivor. “Huh!” Umayos na lamang siya ng upo. “Oh, Karen, akala ko ba hindi ka pupunta ngayon?” bungad sa kanya ni Martina pagpasok nila ng bahay. “Eh ate, ‘yang anak mong magaling, sinundo ako sa bahay,” maktol niya. “Devey?” Pinagdilatan ni Martina ng mata si Devey. Nakangisi lang ang pilyong bata. Pagkuwan ay tumakbo na ito aakyat ng hagdan. Sumunod na lamang siya kay Martina sa kusina. Nabitin talaga siya sa tequila. “Nasanay na nga talaga sa ‘yo si Devey,” ani Martina. “Hay! Parang nagkaroon tuloy ako ng anak at ang kulit pa,” sabi niya. “Mag-asawa ka na kasi,” sabi pa nito. “Sino naman ang aasawahin ko? Iniwan nga ako ‘di ba?” “Marami lang diyan.” “Bampira? Dah!” “Sus, aarte ka pa. Lalagpas na ang edad mo sa kalendaryo.” Tinulungan niya sa paghahanda ng pagkain si Martina. Kapag tungkol sa pag-aasawa ang paksa ay naiisip lamang niya si Ian. First boyfriend niya si Ian at ito ang lalaking gusto talaga niyang maging asawa. Mas madalas na niya itong maisip kaysa kay James. Pakiramdam niya’y sariwa nang muli ang sugat sa puso niya. “Kalimutan mo na si James. Wala kang mapapala roon,” ani Martina habang naghahalo ng niluluto nito sa kawali. Nag-init ang ulo niya nang marinig ang pangalan ni James. “Ang gagong ‘yon, wala na akong pake sa kanya, no! Kakarmahin din ‘yon,” aniya. “Sabi mo ipapakulam mo siya.” Tumawa siya. Iyon nga dapat ang gagawin niya pero pumalpak siya dahil si Trivor ang nabunutan niya ng buhok. Hindi na niya naikuwento kay Martina ang tungkol doon dahil siguradong tutuksuin siya nito. Hindi na rin niya itutuloy ang paghihiganti baka mapasama lang siya lalo. “Wala naman akong mapapala kahit ipakulam ko siya. Bahala na ang karma sa kanya,” sabi niya. “Mag-move on ka na. For sure, makakatagpo ka rin ng deserving na lalaki.” Okay na sana, nakaka-move on na siya kay James pero bigla namang nagparamdam sa panaginip niya si Ian. Mukhang kailangan na naman niya ng bonggang pag-aliw sa kanyang sarili. Natatakot na siyang bumalik ang depresyon niya. Kasalo ni Karen ang buong pamilya ni Martina sa hapunan. For the first time, nakasabay rin niya si Dario. Madalas kasi itong wala at noon lang silang nagpang-abot sa gabi. Bigla namang nawala si Trivor. Ang sabi ni Martina, may duty pa raw ito. Masaya ang pamilya ni Martina. Hindi niya maiwasang huwag mainggit. Hindi niya naiisip na bampira ang napangasawa ng pinsan niya. Parang normal lang ding tao si Dario. May pasubo-subo pa si Martina kay Dario. Parang sinasadya nitong inggitin siya. “Sana all,” bulong niya. “Tita Karen, turuan mo ako maya sa homework ko, ah? Science ‘yon,” pukaw sa kanya ni Devey. Napangiwi siya. Pinapa-career na talaga nito sa kanya ang pagiging all around tutor s***h yaya niya rito. Makukutusan na talaga niya ang batang ito. “Devey, ikaw magpapasweldo sa Tita mo, ah,” sabi naman ni Dario sa anak. Humaba ang nguso ni Devey. “Bakit ako, Dad? I’m still studying pa and I don’t have money,” reklamo nito. “Wala ka palang pera, gawin mong mag-isa ang homework mo,” ani Dario. “Hindi ko alam ang ibang sagot.” “Puro kasi video game inaatupag mo. Hindi magtuturo sa ‘yo ngayon ang Tita mo. Magpapahinga siya.” Hindi na umimik si Devey. Kumibit-balikat lang si Martina. Naawa rin siya sa bata. Pagkatapos din ng hapunan ay pinuntahan niya sa kuwarto si Devey. Nakasubsob na ito sa pag-aaral. Nakaupo ito sa tapat ng study table nito. “Kaya ko na ito, Tita. Mag-rest ka na,” sabi nito. “Sure ka?” aniya. “Opo. Sorry.” Nilapitan niya ito at hinilot ang likod nito. “Okay lang. Basta ba mag-aral kang mabuti. Maswerte ka kasi may mga magulang ka na nagpapaaral sa ‘yo. Ang ibang bata, hindi nakapag-aral kasi walang pera.” “Tama pala si Mommy, masuwerte ako,” sabi naman nito. “Yap. Kaya huwag kang pasaway sa parents mo.” “Eh Tita, bakit po ikaw wala pang anak?” bigla’y tanong nito. Ang layo ng paksa. “Ah, kasi wala pa akong asawa,” tugon niya. “Eh bakit wala ka pang asawa? Hindi po ba asawa mo si Tito James?” Napangiwi siya. Tsismoso talaga itong batang ito. “Hindi ko asawa si Tito James mo. May asawa na siya.” “Bakit ganun po? Hindi po dapat ikaw ang asawa niya?” Hindi na niya magawang ngumiti. “Ang mabuti pa, mag-aral ka na. Aalis muna ako,” pagkuwan ay paalam niya. “Sige po.” Hindi makatulog si Karen. Binulabog niya si Martina at humingi ng alak. Mabuti na lang may tira pa itong alak noong birthday nito. Binili nito iyon para sa mga taong bisita nito pero hindi naubos. Kinuha niya ang isang bote ng tequila. Tumambay siya sa island counter. Sinamahan naman siya ni Martina pero wine lang ang iniinom nito. Magkatabi silang nakaupo sa stool chair. “Ano ba ang problema?” usisa nito. “Naiisip ko na naman siya,” aniya. “Sino? Si James?” “Nope. Si Ian.” “O my gosh! Ang tagal na no’n, ah. Akala ko ba limot mo na siya?” “Akala ko rin pero bigla ko siyang napanaginipan.” “Asus! Panaginip lang naman pala. Wala ‘yon.” “Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya?” “Kalimutan mo na siya. Ikaw nga hindi niya iniisip.” Habang nanunuot ang alak sa katawan niya ay unti-unting nabubuhay ang sakit sa puso niya. Posible pala ‘yon. “Martina!” tawag ni Dario kay Martina. “Ayan na, nagtatawag na ang asawa ko,” anito saka tumayo. “Maiwan na kita. Huwag kang papakalasing,” paalam nito saka siya iniwan. Naparami na siya ng nainom. Katagalan ay parang tubig na lang sa panlasa niya ang tequila. Habang nalalango naman siya sa alak ay lalong bumalik sa isip niya ang nakaraang mapait. “Pagka-graduate ko ng law, magpapakasal tayo, Karen. Pangako ko ‘yan,” naalala niyang sabi sa kanya ni Ian, noong huli silang mag-celebrate ng anniversary nila. Napasubo siya ng isang baso pang tequila. Nang mahilo na siya ay tumigil siya at tumayo. Hindi na niya maibalanse ang kanyang katawan. Pasuray-suray silang naglakad palabas ng bahay. May natatanaw siyang lalaki na naglalakad patungo sa kanya. Madilim ang aura nito. All black ang suot nito. Sa unang sulyap ay si Ian ang nakikita niya. “Hey, love! I missed you! Saan ka ba nagsusuot, ha?” tawag niya rito. Nababaliw na ata siya. She could see his wide smile, a smile that she never forgot. Sinalubong niya ito. Nang abot kamay na niya ito ay ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa leeg nito. “You’re drunk,” sabi nito sa paos na tinig. “I know but I’m still fresh,” nahihibang na sabi niya. Naririnig niya ang kanyang sarili pero hindi na niya kontrol ang kanyang galaw. LALAGPASAN sana ni Trivor si Karen pero bigla itong sumimplang. Magap niyang nahagip ang baywang nito. Wala nang puwersa ang mga kamay nito. Inuusig na naman siya ng kanyang konsensiya nang marinig niya mula sa bibig nito ang pangalan ni Ian. “Bakit ba galit ka pa rin sa akin, ha?” tanong nito. Binuhat na lamang niya ito at dinala sa inuukupa nitong kuwarto. Ang masama nito, kakainom lang niya ng dugo kaya hyper siya at mainit ang kanyang katawan. Kailangan niyang umiwas sa tukso. Nang ilapag na niya sa kama ang dalaga ay bigla nitong kinapitan ang kanang braso niya. “Please, don’t leave me…” samo nito. “Matulog ka na,” aniya. “Please stay…” pilit nito. He clenched his jaw when she sensually ran her fingers through his legs. The heat automatically spread throughout his sensitive vein. Iniwaksi niya ang kamay nito pero nakakapit pa rin ito sa kamay niya. Hinatak siya nito at itinulak siya pahiga sa kama. Kaagad itong dumagan sa kanya. Tinangka niyang bumangon ngunit bigla siyang nanghina nang makita niya ang maninipis nitong luha. “Bakit palagi na lang akong iniiwan? Panget ba ako? Wala ba akong kuwentang babae?” emosyonal na wika nito. “No, you’re beautiful,” sagot niya rito. “Then, why you left me?” Hindi siya sumagot. Pinahid niya ng kamay ang luha sa pisngi nito. Ginagap naman nito ang kamay niya at walang anu-ano’y inilapag sa dibdib nito. Nag-init siya nang maramdaman niya ang lambot ng dibdib nito. “Then, touch me,” hamon nito. “You’re just drunk, Karen. I’m Trivor,” pakilala niya rito. “I know.” Akmang itutulak niya ito ngunit isinubsob nito ang bibig sa kanyang mga labi. Her lips move cruel but pleasure gently arousing his manliness. That quick and he knew he would lose control. Hiniklas nito ang kanyang polo kaya nagtalsikan ang botones. Nahantad ang ang kanyang dibdib na kaagad nitong pinasadahan ng maririing haplos na lalong nagpapainit sa kanya. Ito na ang kinakatakutan niya, ang magbalik ang kahibangan niya sa s*x. He was trying to ignore her kiss but her tongue suddenly exploring inside her mouth. Tuluyang naghumindig ang kanyang sandata. Ang kamay niya sa dibdib nito ay nagsimulang gumalaw at humubog sa malusog na kaumbukan nito. Daig pa niya ang babaeng inakit na walang kalaban-laban. “s**t!” he cursed as he felt her entrance rubbing against his shaft. Nakaangat na ang laylayan ng dress nito at tanging panties lang sa loob. Maga na siya roon kaya ramdam niya ang kalambutan ng kaselanan nito kahit may suot pa siyang pants. “Do you think I’m afraid to have s*x with you?” she asked when she released his mouth. Sinalubong niya ang mga mata nitong puno ng pagnanasa. She never knows the fact, she’s not aware. Kumikilos na pala ang mga kamay nito sa puson niya at kinakalas ang kanyang sinuturon. Nang ma-unzip nito ang pants niya at nahimasok doon ang isang kamay nito. She found his weakness. She found him hard. Nabuhay na ang mainit niyang dugo at alam niya sa kanyang sarili na hindi na niya masusupil ang init. Hinayaan niya itong kumilos ayon sa kagustuhan nito. Ginagap nito ang puno ng kanyang p*********i. Pagkuwan ay sumubson ang mukha nito sa kanyang dibdib. Hinalik-halikan siya nito roon at madalas ay nilalasap ang bawat umbok ng kanyang dibdib. “Ughhh…” How he missed this kind of sensation? Ibinaba niya ang zipper ng blouse nito sa likod at tuluyang hinubad. Lalo lamang siyang nadarang nang mahantad sa paningin niya ang alindog nito. Maganda talaga ang hubog ng katawan nito kahit ano ang isuot nito, lalo na malamang ngayong walang saplot. Hinubog niya ang malulusog nitong dibdib ngunit pinigil kaagad siya nito. Pinagmasdan lamang niya ito nang ipaglandas nito ang bibig pababa sa kanyang puson. Hinatak na rin nito pababa ang kanyang pants kasama ang kanyang panloob. He didn’t expect more from her but he was surprised when she tasted him on his length. Napaungol siya roon. Wala siyang idea kung gaano na kalawak ang karanasan nito pero sa ginagawa nito ay pinapahanga siya nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD