Kabanata 33 "Zoe, anak?" Mula sa pagkakatanaw sa maberdeng damuhan at papalubog na araw, marahan akong lumingon sa aking likuran matapos marinig ang mahinahong boses na 'yon. I feel like hearing that voice sent shiver deep down my spine. Pakiramdam ko ay panandalian ako nitong dinala sa ibang dimensyon. My heart skipped a beat when I saw the angelic and beautiful face of my mother. She's standing meters away from me. Her whole physique was radiating like there's a powerful light behind her. Maging ang suot niyang puting bestida ay nagagawa siyang pagliwanagin. May masuyong ngiti na nakapaskil sa kanyang labi habang nakatitig sa akin. "M-Mommy?" tawag ko sa paraang halos bulong na lang ang lumabas sa aking bibig. Muli siyang ngumiti sa akin. Wala sa sarili akong napatayo at malalaki a