DALA-DALA ang bote ng vodka ay lasing ngunit kaya pa naman nito ang sarili nang pumasok si Jask sa loob ng torture house ni Alejandro. Dalawang buwan na din ang lumipas at paulit-ulit lang na umiinom ang lalaki matapos nitong asikasuhin ang anak ay aalalagaan na agad ito ng babysitter. Si Jask naman ay iinom pupunta rito sa torture house pagkatapos maliligo at babalik sa ospital upang panoorin si Annalee at upang patuloy na umaasang anumang oras ay magigising ang babae. Nagkatinginan ang mga tauhan ni Alejandro nang pumasok na naman sa loob ang lalaki. Their boss told them to let Jask do whatever he wanted to do inside. Walang pumipigil sa lalaki at hinahayaan lang nito ito nang sa ganoon kahit man lang sa bagay na ito ay mapakita nilang magkakaibigan ang suporta nila sa pinagkakatiwal