Isang linggo matapos ang pag-uusap ng Itay ni Akisha at ang Papa ni Amiro. Naganap ang pamamanhikan sa kanya ni Amiro. Sinusunod pa rin ng pamilya nito ang makalumang tradisyon ng mga taga probensya kahit na mayaman ang mga ito. Namanhikan ito kasama ang buong kamag-anak at maging mga kasambahay nito. Naging masaya ang lahat ng kanyang kabarangay dahil bonggang pahayagan ang naganap sa kanilang bahay. Animo kasalan na ang naganap dahil napakaraming tao ang dumalo na dapat sana ay pawang mga kamag-anakan lang muna dahil sa pamamanhikan ay pinag-uusapan ang tungkol sa kasal. Buti na lamang talaga at malawak ang kanilang harapan kaya naman desperas pa lamang ei, nagpadala na si Don Enrile ng mga taong maglalagay ng mga dekorasyon at mga pansamantalang lamesa na paglalagakan ng pagkain at ka