Nasa centro pala ang kotse ng kanyang Señorito. Hiyang-hiya tuloy siya habang naglalakad dahil pinagtitinginan sila ng mga tao. "Señorito naman kasi bakit kotse pa ang dinala mo? Pwede namang kahit motor mo na lang sana, pinagtitinginan tuloy tayo," wika niya dito. "Pasensya na Aki, next time nalang. Let's go na baka hinihintay na tayo ni Papa," wika nito tsaka ipinagbukas siya nito ng pinto ng kotse. Nakaramdam tuloy siya ng hiya, hindi naman nito dati ginagawa yon sa kanya. Noong nagpanggap lamang siyang babae, naranasan niya ang pagigng gentleman nito. Pero ngayon, parang kakaiba yata ito. Maging pananalita nito sa kanya medyo mahinahon na. Baka naman nagi-guilty na ito sa mga pinagagawa sa kanya. Ngumiti na lamang siya at sumakay na sa kotse, pagkuwa'y sumakay na rin ito. Nagul