CHAPTER 14 3RD PERSON POV “BAKIT MO tinakpan bibig ko kanina, Kamahalan?” naguguluhang tanong ng alipin nito sa kaniya. Patuloy lang na naglakad si Prinsipe Isagani kaya marahan na tumawa ang alipin niyang si Adan saka ito muling nagsalita. “Alam ko na! Gusto mo ilihim na ikaw ang totoo—” Biglang huminto sa pagsasalita si Adan nang humarap ito sa kaniya. “Ayokong malaman niya ang totoo. Hinahanap ko kanina si Lakambini Dayana pero siya ang nakita ko.” “Gusto mo po bang pagtagpuin ko kayong dalawa? Madali lang naman gawin ‘yon.” “Are you sure? Sige. Hindi ko pa siya nakikita nang mukhaan kaya gusto ko sanang makausap siya sa personal.” Matagal nang may pagtingin si Prinsipe Isagani kay Lakambini Dayana simula nang makita niya ang litrato ng lahat ng mga kandidata. Nalalaman niyang