ALYANA’S POV NASA practice room kami nang biglang nakarinig ako ng tsismis tungkol sa nangyari kay Lakambini Dayana. Lumapit sa akin si Lakambini Ysabella upang ipabatid sa akin ang mga narinig niya. “Alam mo na bang may nanligaw sa kaniyang isang lalaki? Hindi ba’t bawal ‘yon dahil isa siyang Lakambini?” tanong niya sa akin. Tikom ang bibig ko at hindi ako makapagsalita buhat nang baka malaman nilang isa ako do’n sa nagplano. Hindi nila puwedeng malaman na tinulungan ko si Inagasi gawin ‘yon. “Uh, wala akong alam sa balitang ‘yan. Paano niyo nalaman? Si Lakambini Dayana ba nagkuwento sa inyo?” tanong ko kay Lakambini Ysabella saka siya tumango. “Tama, siya nga mismo nagkuwento sa mga kasamahan niya. At alam na rin namin kung sino ang lalaking ‘yon.” Nanlaki ang mata ko dahil sa nari