ALYANA'S POV “SIGURADO ka bang epektibo itong mga plano natin?” tanong ni Inagasi habang hawak niya ang Boquete ng pulang rosas. Tumango ako saka ako nagsalita. “Maniwala ka sa akin, Inagasi. I am doing my best here na mapalapit kayo sa isa’t isa. Later, kakausapin ko si Lakambini Dayana and we need to set up things to show your love affections to her,” aniko sa kaniya habang inuusisa ko kung anong klaseng tsokolate ang bibilhin ko. Nang makita ko ang hugis pusong tsokolate ay agad kong kinuha ‘yon. “Sweet!” ngiting wika ko dito nang mahawakan ko ang tsokolate. “Ito na lang bilhin natin, mas romantic ang hugis pusong tsokolate,” dagdag kong wika saka ko binigay ang bayad sa babaeng nagtitinda. “Sigurado ka bang hindi ‘yan tunaw?” Marahang pinisil ko ang tsokolate saka na-realize k