ALYANA'S POV MASAYANG naglakad kami ni Inagasi papuntang circus. Bumili kami ng ticket gamit ang binigay ni Manang Ester sa amin. Pagkapasok namin sa loob ay namangha kami dahil sa dami ng tao at sa ganda ng disenyo at lawak ng stage. “Ilang sandali na lang ay magsisimula na ang presentasyon ng ating mga mananayaw na galing pa ng Sebu.” Nang buksan na ang pulang kurtina ay lumabas na ang mga mananayaw na may kasamang elepante. Nagsigawan ang mga tao sa loob sabay na tumindig ito mula sa puwesto nila. “Let’s stand up,” ngiting wika ko kay Inagasi kaya sumunod kaming tumindig at saka pumalakpak nang magpakilala ang mga nasa stage. Umupo na kami pareho matapos na ipakilala ng mga host ang mga entertainer.Di kalaunan ay nagsimula nang i-present ng mga entertainer ang kanilang palabas. N