ALYANA’S POV NAHIHIYANG tumango ang kawal kaya agad siyang binigyan ni Mama ng pork barbecue saka isang pusong kanin. Agad namang tinanggap niya ang pagkain na iyon saka ngumiting nagpasalamat. “Maraming salamat po, Ma’am.” “Pasensya ka na, Sir kung ‘yan lang maibibigay ko. Wala kasi akong available na plato na puwedeng panglagyan ng pagkain mo. Basta kumuha ka lang kung gusto mo pa, ah? H’wag ka lang mahihiya,” ani Mama saka marahang nahihiyang tumawa ang kawal. “Nakakahiya nga po pero maraming salamat po. Hindi pa kasi ako kumakain ng pananghalian kasi inaatay ko pa ang papalit sa akin dito.” “Naku! Kailangan mong kumain nang marami para mabantayan mo nang maayos ang asawa ko,” pabirong wika ni Mama saka siya tumawa. “Ma, naman. H’wag mong i-pressure ang bantay,” pagsuway ko sa kan