Chapter 52

2138 Words

DAHIL NAKATULOG si Karizza matapos ang tanghalian, kaya naman ang kaniyang mag-ama agad ang kaniyang hinanap. Nagtaka pa siya dahil si Ravano at Massimo ang nakita niyang nasa loob ng nursery room ni Khai. “Nasaan si Zi?” tanong niya sa dalawa na nakasalampak ng upo sa carpeted floor. “Wala sa bulsa ko, Madam,” biro pa sa kaniya ni Ravano. “Hindi ako nagbibiro, Mr. Ravano Del Greco.” Sinulyapan pa ni Karizza si Khai na kumaway lang sa kaniya. Mukhang nag-e-enjoy ito sa dalawa nitong playmate. “Nasa study room si Boss,” wika naman ni Massimo kay Karizza. “Study room? Bakit?” Nagkatinginan pa sina Ravano at Massimo. Tumikhim si Ravano. “Nagkakape?” “Puro ka kalokohan, Ravano,” aniya na naiiling na nagpaalam na muna kay Khai. “Baby, pupuntahan ko lang si Daddy mo.” “Key, Mommy,” anan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD